Kumusta! Kami ay mga DIY solar enthusiast mula sa Pilipinas. Sinimulan namin ang site na ito dahil noong nag-aaral pa lang kami gumawa ng solar mga solar setup, karamihan ng impormasyon ay nasa English, para sa ibang bansa, o galing sa mga seller na may binebenta at hindi masyadong maiintindan nang mga Pilipino. Kaya heto na’t pinasimple lang namin.
Ang misyon namin
Tulungan ang bawat Pilipino na makapagplano ng ligtas, tama at sulit na solar setup, sa wikang naiintindihan natin at may mga produktong mabibili dito sa Pilipinas.
Paano kami gumagawa ng content
- Bawat gabay ay base sa aktwal na karanasan, sa manual ng produkto, at sa Philippine Electrical Code.
- Ang mga technical na article ay sinusuri ng licensed electrician / RME.
- Ina-update namin ang mga article kapag may bagong impormasyon o presyo.
- Kapag may mali kang nakita, sabihan kami sa Contact page at aayusin namin agad.
Paano kumikita ang site
Libre ang lahat ng gabay at ang calculator. Kumikita kami sa mga affiliate link (Shopee at iba pang marketplace) at sa ads. Hindi nito binabago ang presyo para sa iyo, at hindi namin irerekomenda ang produktong hindi namin pagkakatiwalaan. Basahin ang aming Affiliate Disclosure.

