Huling update: Nobyembre 11, 2026
Para sa impormasyon at edukasyon lamang
Ang lahat ng content sa DIY Solar Setup PH, kasama ang Solar Calculator, ay para sa pangkalahatang impormasyon at edukasyon. Hindi ito kapalit ng propesyonal na electrical design, inspeksyon o installation.
Panganib ng kuryente
Ang solar panels, battery at inverter ay may mataas na voltage at current na maaaring magdulot ng sunog, malubhang pinsala o kamatayan. Ang battery, lalo na ang lithium, ay may napakataas na short-circuit current. Huwag kailanman magtrabaho sa live na circuit.
Sumunod sa batas at code
- Ang electrical installation sa Pilipinas ay dapat sumunod sa Philippine Electrical Code (PEC) 2017 at sa mga patakaran ng inyong LGU, kasama ang electrical permit at inspection.
- Ang wire sizes ng calculator ay base sa PEC 2017 Table 3.10.2.6(B)(16) (copper, 75°C) at sa ambient correction factors ng PEC. Ang ibang patakaran (gaya ng arc-fault protection at grounding ng PV) ay base sa PEC Article 6.90. Hindi nito pinapalitan ang design ng licensed na Professional Electrical Engineer.
- Ang anumang koneksyon sa grid (Meralco o electric cooperative), kasama ang hybrid at net metering, ay nangangailangan ng permit at ng licensed electrical practitioner (RME o PEE).
- Ipa-check ang final na design at installation sa licensed electrician bago gamitin.
Walang garantiya
Ginagawa namin ang lahat para maging tama ang impormasyon at computation. Pero gumagamit ang calculator ng mga tantya (sun hours, temperatura, efficiency) at maaaring hindi angkop sa iyong eksaktong sitwasyon. Laging sundin ang manual at specs ng manufacturer ng mga gamit mo. Kung may conflict, ang manual at ang PEC ang masusunod.
Limitasyon ng pananagutan
Hindi mananagot ang DIY Solar Setup PH at ang mga may-ari nito sa anumang pinsala, pagkasira ng gamit, sunog, injury o pagkalugi na resulta ng paggamit ng impormasyon o calculator sa site na ito.
Mga produkto at link
Ang mga produktong naka-link ay ibinebenta ng ibang seller sa mga marketplace. Hindi kami ang nagbebenta at hindi namin kontrolado ang kalidad, presyo o availability nila. Basahin ang aming Affiliate Disclosure.

